^

Bansa

Jinggoy ‘di sinipot ang libel ni FG

-
Hindi sinipot ni Sen. Jinggoy Estrada ang preliminary investigation ng kasong libelo na isinampa sa Pasay City Prosecutors Office ni First Gentleman Mike Arroyo.

Ayon kay Atty. Jess Santos, abogado ng Unang Ginoo, dapat na sumipot ang senador para maklaro ang pangalan ni Arroyo na madalas isinasangkot sa katiwalian ni Estrada. Walang naging malinaw na kasagutan ang abugado ni Estrada kung bakit hindi ito sumipot sa paunang pagdinig at wala din itong isinumiteng counter-affidavit sa kasong libelo.

Isinangkot ni Estrada si Atty. Arroyo na mayroon daw koneksyon ito kay Lucio Co, isang big-time smuggler na itinanggi naman ng kampo ng Unang Ginoo. Sinabi rin ni Estrada na nagkaroon din daw ng kontrata si Jack Lam sa Pagcor dahil sa koneksyon nito kay Atty. Arroyo.

Ayon kay Santos, walang katotohanan ang mga paratang ni Estrada, at katunayan ay sumulat pa ang kanyang kliyente sa Bureau of Customs para arestuhin ang sinumang nagbabanggit sa kanyang pangalan. (Rudy Andal)

vuukle comment

AYON

BUREAU OF CUSTOMS

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

JACK LAM

JESS SANTOS

JINGGOY ESTRADA

LUCIO CO

PASAY CITY PROSECUTORS OFFICE

RUDY ANDAL

UNANG GINOO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with