STL kahit legal, sugal pa rin
March 29, 2006 | 12:00am
Hindi solusyon ang small town lottery o STL para tuluyang matigil ang jueteng sa bansa.
Ito ang binigyang diin ni Sen. Manny Villar, chairman ng Senate committee on public order and illegal drugs, tungkol sa ipinalabas na guidelines ng PCSO at Napolcom para sa operasyon ng STL sa bansa.
"Kahit sabihing legal pa yang STL, sugal pa rin iyan. Kahit PCSO pa ang magpatakbo ng STL, hindi maikakaila na hinihikayat pa rin nito ang mga tao na magsugal," paliwanag ni Villar.
Dahil sa naturang guidelines, hindi na maaaring arestuhin ng mga pulis ang sinuman na binigyan ng otorisasyon ng PCSO na magpatakbo ng STL operations.
Una nang ipinatupad ang STL sa ilalim ng administrasyong Aquino ngunit nabigo itong patayin ang jueteng dahil mas malaking panalo ang nakukuha ng mga tao sa ilegal na sugal.
Ani Villar, maganda sana ang layon ng STL bilang alternatibong kabuhayan ng mga kabo at kubrador na nawalan ng kabuhayan dahil sa kampanya laban sa jueteng, pero kahit saan anyang anggulo tingnan, sugal pa rin ang STL at masama pa rin ito lalo na para sa ating mga kabataan.
Sinabi pa ng senador na hindi natin dapat pagyamanin ang kultura ng pagsusugal. Sa halip, ipaunawa sa taumbayan ang prinsipyo ng sipag at tiyaga para mabuhay. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest