15 negosyante kinasuhan ng tax evasion
March 28, 2006 | 12:00am
Labinlimang katao kabilang ang pangulo ng isang marketing association ang sinampahan ng kasong kriminal dahil sa umanoy hindi pagbabayad ng Value Added Tax (VAT) sa loob ng 15 taon na tinatayang umaabot sa P34 milyon.
Sinampahan ni Atty. Manuel Jose Oyson III, presidente ng Philippine Marketing Excellence Awards (PMEA) sa Pasig Prosecutors Office ng "massive tax evasion" sina Tomas Banguis Jr., pangulo ng Philippine Marketing Association (PMA) at mga board of directors nito na sina Erlinda de Guzman, Lizzane Uychaco, Alexander Flores, Frederick Alegre, Virgilio Ajero, Jaime Sibauco, Herminio del Rosario, Cergen Go, Edith Dychiao, Gina Luengas, Arlene Martinez, Mylene Abiva-Sazon, Vivian Fautino at Edwin Mapanao, na may tanggapan sa Philippine Stock Exchange Center, West Tektite Towers, Unit 1006, Exchange Rd., Ortigas Center, Pasig City.
Nabatid na umaabot umano sa P23 milyon ang taunang kita ng PMA subalit hindi ito inirereport sa SEC, Bureau of Internal Revenue at sa 25 miyembro ng asosasyon.
Batay sa dokumento na hawak umano ni Oyson, sa loob ng 15 taon mula sa P2.3 milyon taunang tax liabilities ng PMA, umaabot umano ito sa P34.5 milyon ang "nanakaw" ng grupo sa gobyerno dahil sa hindi pagbabayad ng VAT.
Base sa balance sheet na isinumite ng PMA, ipinalabas umano nilang P1,565,110.00 lamang ang kanilang kinita mula sa P23 milyong kita nito kada taon. (Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest