Barangay assembly lumarga ngayon
March 25, 2006 | 12:00am
Hinikayat ng local government executives ang mamamayan na aktibong makibahagi sa isasagawang barangay assembly ngayong araw na may layuning malaman ang mga problema, aktibidades at mga pangangailangan sa bawat barangay, gayundin ang isyu sa Charter change nang sa gayon ay marinig ang kanilang "boses" sa isyung ito.
Ayon kay Bohol Gov. Erico Aumentado ng grupong Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP), mahalaga na magkaroon ng barangay assembly dahil ito lamang ang pagkakataon upang malaman ng pamahalaan ang problema sa barangay level na hindi nabibigyan ng sapat na pansin dahil na rin sa dami ng problema ng bansa.
Kabilang sa mga topic ay La Niña, disaster-preparedness, fire prevention, peace and order, gender and development at iba pang napapanahong isyu.
Tatalakayin din ang isyu sa Cha-cha subalit pinabulaanan nito na pangangalap ng pirma para maisulong ang pag-amyenda sa Konstitusyon ang sentro ng assembly.
Sa katunayan, maaaring isumbong sa kanila ang sinumang nangangalap ng pirma upang masampahan ng kaukulang kaso. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended