Sinabi ni House Majority Leader Prospero Nograles na pabor ang lahat ng mga kongresista na ibalik sa orihinal ang kanilang Priority Development Assistance Fund sa P70 milyon, ang standard na pork barrel allotment na ibinibigay sa bawat distrito.
Gumanda na naman aniya ang fiscal situation ng bansa dahil na rin sa ipinatutupad na mga tax reforms.
Makikinabang din sa restoration ng pork barrel ang mga senador dahil babalik sa P200 milyon ang kanilang matatanggap na pondo. Isa sa mga inaasahang pagkukunan ng pork ng mga kongresista ang P5 bilyon Kilos Asenso Program at ang P3 bilyon fund para sa Kalayaan Barangay program na kapwa isiningit sa 2006 national budget. (Malou Escudero)