^

Bansa

Juvenile Bill lusot na

-
Inaprubahan na ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang Juvenile Justice Bill na magbibigay ng proteksiyon sa mga menor-de-edad na masasangkot sa mga krimen.Ayon kay Senate Majority Leader Francis Pangilinan, may-akda ng batas, mula 9-anyos hanggang 15-anyos ang minor, hindi sila pwedeng ikulong at wala itong criminal liability bagkus ay papatawan lang ng penalty o danyos perwisyo at community services. Nakasaad din dito ang agad na paghihiwalay ng minor offenders sa mga adult criminals at dapat agad i-turn over ng isang apprehending party ang minor offender sa DSWD. Hindi rin lalampas sa walong oras bago ito dalhin sa rehabilitasyon.Ikinatuwa din ni Pangilinan ang ginawang paglipat ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa may 520 juveniles patungo naman sa mga bahay kanlungan para sa mga kabataan.

Sa ulat ng BJMP, aabot sa 1,569 kabataan pa ang nasa kanilang kulungan sa buong bansa hindi pa kasama ang nasa pangangalaga ng DSWD, PNP at Bilibid Prisons. Ayon sa senador, ang barangay pa rin ang inaasahang makakatulong sa pagpapatupad ng bagong batas dahil karamihan sa mga krimen na kinakasangkutan ng mga menor de edad ay nagaganap sa mga kanya-kanyang barangay.

Lagda na lang ni Pangulong Arroyo ang kailangan para ito’y maging isang ganap na batas. (Rudy Andal)

AYON

BILIBID PRISONS

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

IKINATUWA

INAPRUBAHAN

JUVENILE JUSTICE BILL

PANGULONG ARROYO

RUDY ANDAL

SENATE MAJORITY LEADER FRANCIS PANGILINAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with