^

Bansa

Pag-aresto kay Dinky sa Baywalk kinondena

-
"Bawal na bang mamasyal sa Pilipinas?"

Ito ang pagtatanong kahapon ni Bayan Muna Rep. Joel Virador kasabay ang pagkondena sa ginawang paghuli kamakalawa kay dating DSWD Sec. Dinky Soliman ng mga tauhan ng PNP sa Baywalk, Roxas blvd., Manila.

Bagaman at pinakawalan din si Soliman, sinabi ni Virador na walang malinaw na kaso ang pulisya laban sa kanya dahil wala namang batas sa bansa ang nagsasabing bawal mamasyal ang isang tao lalo na sa pampublikong lugar.

Sinabi ni Virador na maliwanag na talagang paranoid na ang Arroyo government lalo na sa mga pinaghihinalaang nais magpatalsik sa Pangulo sa puwesto.

Nagbabala si Virador na marami pang aarestuhin ang pulisya at naghahanda na ito ng mga "fabricated cases" upang mapabilis ng pag-aresto tulad ng ginawa sa Batasan 5 na nasa protective custody ngayon ng Kamara.

Matatandaan na inaresto ng mga tauhan ng Malate Station 9 si Soliman bandang alas-6 kamakalawa ng gabi matapos magmartsa kasama ang grupo ng Black & White na pawang nakausot ng itim na t-shirt na may nakasulat na "Patalsikin na, Now na."

Napasugod din sa tanggapan ng General Assignment Section (GAS) ng MPD sina dating pangulong Cory Aquino, anak nitong si Tarlac Rep. Noynoy Aquino at ilang miyembro ng Hyatt 10 upang magbigay ng suporta kay Soliman.

Gayunman, pinakawalan din ito nang makitang walang sapat na merito ang pagkakaaresto sa kanya.

Sa desisyon ni Fiscal Glenda Ramos ng Manila Fiscl Office, hindi maaaring kasuhan si Soliman ng paglabag sa Batas Pambansa 880 o "illegal assembly" dahil hindi rin naman umano nakakasagabal sa publiko ang ginawang paglakad ng grupo ng Black & White sa Baywalk. (Malou Escudero/Gemma Amargo-Garcia)

BATAS PAMBANSA

BAYAN MUNA REP

BAYWALK

CORY AQUINO

DINKY SOLIMAN

FISCAL GLENDA RAMOS

GEMMA AMARGO-GARCIA

SOLIMAN

VIRADOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with