Ayon kay Sen. Miriam Defensor-Santiago, chairman ng senate committee on foreign relations, niratipikahin ng Senado ang Montreal-Bejing Amendments ng Montreal Protocol on Substance that Deplete Ozone layer na naglalayong makontrol ang paggamit ng mga nakakasira sa kalikasan at iyon ay binatay din nila sa saligang-batas kung saan walang tratado o internasyunal na kasunduan ang puwedeng pasukin ng gobyerno kapag hindi naratipika ng Senado.
Ipinaliwanag ni Santiago na ang Montreal agreement ay naglalayong maglagak ng kasunduan sa import/export ng paglisensiya nito habang ang Beijing agreement naman ay pagkontrol sa konsumo ng mga ozone depleting substances.
Aniya, sa ginawa ng Senado ay makakaasa na tayo ng ayuda mula sa Multilateral Funds para matanggal na ang mga nakakasirang gamit na ito. (Rudy Andal)