^

Bansa

Freon, spraynets, pesticides etc.nakaka-cancer, sumisira pa sa ozone layer

-
Malapit ng matapos ang paggamit ng mga spraynets, freon sa mga airconditioner at refrigerators, solvents, cleaners, pesticides at iba pang mga industrial products na nakakasira hindi lamang sa Ozone layer kundi nagdudulot din ng skin cancer, cataracts, retinal damages, at pagkasira ng immune system ng isang tao.

Ayon kay Sen. Miriam Defensor-Santiago, chairman ng senate committee on foreign relations, niratipikahin ng Senado ang Montreal-Bejing Amendments ng Montreal Protocol on Substance that Deplete Ozone layer na naglalayong makontrol ang paggamit ng mga nakakasira sa kalikasan at iyon ay binatay din nila sa saligang-batas kung saan walang tratado o internasyunal na kasunduan ang puwedeng pasukin ng gobyerno kapag hindi naratipika ng Senado.

Ipinaliwanag ni Santiago na ang Montreal agreement ay naglalayong maglagak ng kasunduan sa import/export ng paglisensiya nito habang ang Beijing agreement naman ay pagkontrol sa konsumo ng mga ozone depleting substances.

Aniya, sa ginawa ng Senado ay makakaasa na tayo ng ayuda mula sa Multilateral Funds para matanggal na ang mga nakakasirang gamit na ito. (Rudy Andal)

ANIYA

AYON

BEIJING

DEPLETE OZONE

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

MONTREAL PROTOCOL

MONTREAL-BEJING AMENDMENTS

MULTILATERAL FUNDS

RUDY ANDAL

SENADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with