Ka Bitoy bagong alyas ni Gringo
March 16, 2006 | 12:00am
Hindi na "Gringo" kundi "Ka Bitoy" ang sinasabing bagong alyas ni dating Sen. Gregorio Honasan.
Ayon sa nakalap na mga dokumento, si Ka Bitoy umano ang lider ng Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KAB), ang grupo na itinatag na may layuning patalsikin sa puwesto si Pangulong Arroyo.
Kasama umano ni Bitoy sa KAB sina Sy, Sony at iba pang mga "seniors" at isang tao mula sa akademya at isa sa Local Government Unit.
Batay pa sa dokumento, dalawang taon na binuo ang alliance nila sa mga komunista bago sila humantong sa kanilang common goal: Ang pagpapatalsik kay Ginang Arroyo.
Tiwala anya ang CPP na sa tulong nila Bitoy at ng kanyang "progressive patriotic group" sa AFP ay makakamit nila ang mithiin at ng sila naman ang umupo sa Transition Council.
Sa kanilang assessment ay matutuloy ang plano nilang pabagsakin ang gobyerno, subalit pumalpak ang plano ni Ka Bitoy at ni Ka Nikkie na sinasabing ang sinibak na Army Scout Ranger Brig. Gen. Danilo Lim na siyang tumatayong over-all ground commander.
Ayon sa source, malabong magtagumpay ang plano nila Ka Bitoy at Lim dahil sawa na anya ang taong bayan sa mga "gimik"ni Gringo.
Nabatid pa na may balak tumakbong muli sa susunod na halalan si Honasan pero tila malabo na itong mangyari.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest