Ayon sa PDSP, limitado lamang umano ang pinupuntahang lugar ng isinasagawang caravan na kung saan ang mga dumadalo lamang ay ang mga local officials at government employees na meron na umanong kaalaman kaugnay sa Chacha.
Iminungkahi ng grupo na kailangan ding dayuhin ang mga lugar na marami ang mahihirap at ipaliwanag kung ano ang magandang maidudulot ng pagbabago ng Konstitusyon sa kanilang pamumuhay, ayon kay Atty. Jose Nonong Ricafrente, head ng PDSP legal dept.
Isa rin sa mga requirement ng Chacha ay mapakinggan ang saloobin ng mamamayan at ito ay obligasyon umano ng mga pro-Chacha, pahayag naman ni Fr. Romeo Intengan, isa sa mga lider ng PDSP. (Angie dela Cruz)