^

Bansa

Mahihirap dapat maabot ng Cha-cha

-
Hinimok kahapon ng Partido Demokratiko Sosyalista ng Pilipinas ang Charter Change Advocacy Commission (ChaCha-Adcom) na puntahan ang mga liblib na lugar kung nais nito na magustuhan ng tao ang isinusulong na Chacha.

Ayon sa PDSP, limitado lamang umano ang pinupuntahang lugar ng isinasagawang caravan na kung saan ang mga dumadalo lamang ay ang mga local officials at government employees na meron na umanong kaalaman kaugnay sa Chacha.

Iminungkahi ng grupo na kailangan ding dayuhin ang mga lugar na marami ang mahihirap at ipaliwanag kung ano ang magandang maidudulot ng pagbabago ng Konstitusyon sa kanilang pamumuhay, ayon kay Atty. Jose ‘Nonong’ Ricafrente, head ng PDSP legal dep’t.

Isa rin sa mga ‘requirement’ ng Chacha ay ‘mapakinggan ang saloobin ng mamamayan’ at ito ay obligasyon umano ng mga pro-Chacha, pahayag naman ni Fr. Romeo Intengan, isa sa mga lider ng PDSP. (Angie dela Cruz)

ADCOM

ANGIE

AYON

CHACHA

CHARTER CHANGE ADVOCACY COMMISSION

CRUZ

HINIMOK

PARTIDO DEMOKRATIKO SOSYALISTA

ROMEO INTENGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with