^

Bansa

Manhunt vs Gringo inilatag

-
Inilatag na ng mga operatiba ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang malawakang manhunt operations laban kay dating Senador Gregorio "Gringo" Honasan, ang umano’y utak ng 2003 Oakwood mutiny at sinasabing sangkot sa nasilat na kudeta laban sa gobyerno nitong Pebrero 24.

"Out priority is to capture Honasan. The warrant is already out. We would like to get him 100 percent," ani AFP-PIO chief Col. Tristan Kison.

Si Honasan, dating Army colonel ay nasangkot sa ilang bigong coup plot laban sa administrasyon ni dating Pangulong Cory Aquino.

Sa paglilitis ng Makati City Regional Trial Court Branch 62 laban sa mga lider ng Oakwood mutiny, sinabi ng testigo ng prosecution na si Capt. Manuel Rosuello na nasaksihan niya mismo ng makipagpulong si Honasan sa mga namuno sa nabigong pag-aaklas ng Magdalo.

Kabilang umano sa mga pinulong ni Honasan sina Navy Lt. Sr. Grade Antonio Trillanes, Marine Capt. Gary Lejano at Army Capts. Gerardo Gambala at Milo Maestrecampo gayundin ang isa sa tatlong puganteng Magdalo na si Army Capt. Nathaniel Rabonza.

Idinagdag pa ni Kison na itinuro rin si Honasan ng mga kadete ng Phil. Military Academy na siyang nag-recruit sa kanilang hanay. (Joy Cantos)

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

ARMY CAPT

ARMY CAPTS

GARY LEJANO

GERARDO GAMBALA

HONASAN

JOY CANTOS

MAGDALO

MAKATI CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

MANUEL ROSUELLO

MARINE CAPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with