^

Bansa

Jamby pinaiyak ni Enrile

-
Luhaang lumisan ng session hall ng Senado si Sen. Jamby Madrigal matapos magkainitan sa gitna nang kanilang debatihan ni Sen. Juan Ponce Enrile tungkol sa Batas Militar noong panahon ni dating Pangulong Marcos.

Bunga ng iyakan blues, tinigil tuloy ni Senate President Franklin Drilon ang sesyon kahapon.

Nag-umpisa ang bangayan ng dalawang opposition senators noong nakaraang linggo kung saan sa privilege speech ni Madrigal ay naungkat ang umano’y fake ambush na isinagawa ni Enrile noong martial law. Agad na sinabihan ni Enrile ang senadora na dapat ayusin niya ang akusasyon dahil ang sinasabing "fake ambush" ay nangyari noong umiiral na ang Batas Militar ni Marcos.

Kahapon, muling nagsalita si Enrile at sinabi nito na ang mga kamag-anak ni Madrigal ay "nag-enjoy" noong panahon ng Martial Law at habang nagkakainitan ang dalawa ay hindi napigilan ni Madrigal ang pag-iyak at kinatwiran nito na hindi nakinabang ang kanyang angkan sa mga Marcos, katunayan aniya, ay nalugi ang kanilang negosyo.

Ibinunyag ni Enrile na matagal na silang may alitan ni Madrigal kahit noong magkasama sila sa tiket ng Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP) noong 2001 elections kung saan pareho silang natalo.

Sinabi nito na sinisira ni Madrigal ang kanyang mga posters at muntik na rin siyang mamatay ng maghagis ng pulseras si Madrigal bilang bahagi ng kanyang propaganda campaign. (Rudy Andal)

BATAS MILITAR

ENRILE

JAMBY MADRIGAL

JUAN PONCE ENRILE

MADRIGAL

MARTIAL LAW

NAGKAKAISANG PILIPINO

NOONG

PANGULONG MARCOS

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with