^

Bansa

Interview ng ABC 5 kay Lim hinihingi ni Sec. Defensor

-
Ipasu-subpoena ng pamahalaan ang sinasabing video tape na panayam ng ABC Channel 5 sa sinibak na si Scout Ranger Regiment Commander Gen. Danilo Lim na umano’y naglalaman ng pahayag nito ng pagbawi ng suporta sa administrasyong Arroyo at chain of command.

Ayon kay Presidential Chief of Staff Michael Defensor, ang video tape interview ang maituturing na mahalagang bahagi laban sa mga sangkot sa nabigong kudeta.

Sinabi ni Defensor na base sa pakikipagpulong niya kay Justice Secretary Raul Gonzalez, malaki ang kanilang tiwala na malakas ang ebidensiya at kayang ipanalo ang kaso laban sa mga nagtangkang umagaw ng pamahalaan.

Bukod kay Lim, 25 opisyal at enlisted personnel ng militar ang inaresto at sumasailalim sa imbestigasyon sa hinalang sangkot sa nabigong kudeta noong Pebrero 24.

Pinabulaanan na ng ABC-5 sa pamamagitan ng news anchor na si John Susi na mayroon silang naka-tape na interview kay Lim.

Ayon kay Defensor, sa sandaling magkaroon ng pormal na kahilingan ito ang magsisilbing dahilan para sa Channel 5 para ilabas ang video tape.

Sinabi ni Defensor na nakuha nila ang impormasyon noong gabi ng Huwebes, Pebrero 23, na mayroong naka-tape na interview ang Channel 5 kay Lim.

Mabilis aniya silang umaksiyon pero wala silang nakuhang kopya dahil maaaring mayroon nang nakatalagang kumuha agad ng kopya nito sa istasyon.

Sa kanilang impormasyon, ang interview ay nakatakda umanong ipalabas sa kasagsagan ng rally noong Pebrero 25 kasabay ng paglabas ng mga sundalong tumitiwalag na sa gobyerno. (LATolentino)

AYON

BUKOD

DANILO LIM

HUWEBES

JOHN SUSI

JUSTICE SECRETARY RAUL GONZALEZ

PEBRERO

PRESIDENTIAL CHIEF OF STAFF MICHAEL DEFENSOR

SCOUT RANGER REGIMENT COMMANDER GEN

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with