Sa isang official statement, sinabi din ni Pitpa president Arthur Gastilo na kinikilala ng kanyang samahan ang tungkulin ng Stradcom, Department of Transportation and Communication (DOTC) at ng LTO gayundin ang mga miyembrong IT Companies sa pagpapatupad ng mga plano para sa Interconnectivity program ng DOTC-LTO para sa PETCs sa ilalim ng Clean Air Act of the Philippines.
Sinabi din ni Gastilo na ang samahan ay patuloy na susundin ang lahat ng guidelines at kautusan na itinakda ng gobyerno para sa implementasyon ng naturang programa para makatulong sa pagtiyak ng magandang kalidad ng serbisyo sa publiko.
"The association pledges its full support to the leadership of DOTC Secretary Leandro Mendoza, Asst. Secretary Ricardo Alfonso, Asst. Secretary and LTO Chief Anneli Lontoc in implementing measures envisioned to bring the program to a much greater position to provide an improved quality of public service through the Private Emission Testing Center Program under the Clean Air Act," ayon sa Pitpa. (Angie dela Cruz)