Ayon sa AkSa, dahil sa mga smugglers at iba pang tax evaders ay natutuyo umano ang ating bansa dahil tinatayang P200 bilyon kada taon ang nawawala sa Bureau of Internal Revenue (BIR) dahil sa mga hindi nagbabayad ng tamang buwis.
Ikinatuwa naman ng grupong Partido Demokratiko-Sosyalista ng Pilipinas (PDSP) ang pagkakahuli sa isang big-time smuggler sa bansa na si Samuel Lee kung saan maituturing umano ito na isang hakbang para sa radikal at pagbabago sa lipunan kung kayat kailangan pang hanapin ang iba pang katulad nito.
Ayon pa sa PDSP, kung naging matigas lamang ang pamahalaan sa paniningil ng buwis at mawawala ang korapsiyon sa bansa ay hindi na maghihirap pa ang maraming Pilipino. (Angie dela Cruz)