Paceco di makikinabang sa Northrail project
March 7, 2006 | 12:00am
Siniguro kahapon ni North Luzon Railways Corporation (Northrail) president Jose Cortes Jr. na walang magiging pakinabang ang pag-aari niyang Pacific Cement Co. (Paceco) sa Northrail project gaya ng nais palitawin ng ilang grupo.
Nilinaw ni Mr. Cortes, na Undersecretary din ng Department of Transportation and Communications (DOTC), hindi sa Paceco magmumula ang gagamitin semento sa Northrail project para sa pagtatayo ng concrete fence ng railways system nito mula Caloocan City hanggang Clark, Pampanga.
"Hinding-hindi ko sisirain aking pangalan para lamang kami ang maging supplier ng semento sa Northrail project na ako mismo ang namumuno. Nagtiwala sa akin si Pangulong Arroyo kaya ako ang kinuha niya na mamuno sa Northrail at hindi ko sisirain ang tiwala niyang ito sa akin," wika pa ni Cortes.
Ipinaliwanag pa ng Northrail president, maraming mga cement factory na malapit lamang sa aming proyekto na puwedeng kunan ng mga contractors para magamit sa gagawing concrete fence bukod sa katotohanan na ang planta ng Paceco ay nasa Surigao del Norte.
Aniya, tuloy-tuloy na ang construction ng Northrail kung saan ay sinisimulan na rin ang civil structures na paglalatagan ng 2-track narrow railway system mula sa Caloocan City hanggang Malolos, Bulacan hanggang sa Clark, Pampanga.
"Totally new ang railway system na ito kung saan ay bago ang mga riles, mayroong mga elevation sa mga crossings, mayroong concrete fence at air-conditioned ang 21 Diesel Multiple Unit (DMU) trains na may kabuuang 84 coaches," paliwanag pa ni Mr. Cortes.
Idinagdag pa nito, hindi renovation ang kanilang gagawin sa Right of Way (ROW) ng PNR mula Caloocan City hanggang Clark, Pampanga kundi lahat ay bago hindi gaya sa Southrail project na rehabilitation lamang ang gagawin.
Inaasahan ni Mr. Cortes na matatapos ang Phase 1 ng proyekto mula Caloocan hanggang Malolos sa loob ng 3 taon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest