Nabatid na muling nakabiyahe ang LCT M/V Golden Swan nitong Pebrero 25-26 buhat sa Pier 18 sa Tondo, Maynila at nakarating ng Isabela, Leyte upang magkarga ng nakalalasong kemikal na "anhydrous ammonia" na idedeliver naman sa Pheschem Indistry sa Maynila.
Itoy matapos na bigyan ng go-signal umano ng PCG-Isabela, Leyte base na rin sa kautusan ni Commander Joseph Badajos, chief officer ng Maritime Safety Office ng PCG-National Capital Region.
Base sa rekord, unang nagpalabas ng kautusan ang MARINA noong Disyembre 21, 2001 na bawalang bumiyahe ang Golden Swan hanggang hindi nakakatalima ang nagmamay-ari ng barko sa safety code ng MARINA partikular ang International Code for Construction and Equipment of Ships Carrying Liquefied Gases in Bulk (IGC Code).
Sinundan pa ng kautusan ng Office of the President noong Oktubre 30, 2004 at Enero 27, 2005 para sa MARINA at PCG na itigil ang pagkakaloob ng special permit sa Golden Swan upang makapaglayag. (Danilo Garcia)