Ayon kay Shell spokesman Roberto Kanapi, ipinasya nilang isagad na ang baba ng presyo ng kanilang LPG dahil sa patuloy na pagbaba ng contract price nito sa world market. Ito ang pinakamalaking rollback ng higanteng kumpanya.
Hindi naman kinaya ng Petron at Caltex ang P1.50 rollback kaya P1 lang o P11 kada tangke ang kanilang ibinaba.
Kahapon ay nagbaba ng halagang P.50 sentimos ang LPG Marketers Association. (Edwin Balasa)