Erap financier ng kudeta
March 3, 2006 | 12:00am
Idiniin ng Malacañang ang umanoy partisipasyon ni dating Pangulong Joseph Estrada sa nabigong kudeta noong Pebrero 24 matapos nitong aminin na nagbigay siya ng P8 milyon sa Phil. Army at Phil. Marines. Bagamat sinasabi ni Estrada na ang naturang halaga ay donasyon sa Kawal Filipino Foundation, ayaw kagatin ni Justice Sec. Raul Gonzalez ang alibi na ito ng dating pangulo at malinaw na ebidensiya anya ang pag-amin ni Estrada at maaari umanong ginamit ang pondo sa planong pabagsakin ang gobyerno.
Inamin naman ng AFP na tumanggap ang kanilang mga elite units ng donasyon pero hindi bilang pondo para maglunsad ng kudeta kundi para sa Multi-Purpose Cooperatives ng Marines at Scout Rangers.
Sa phone interview kay Capt. Clifford Cordova, manager ng cooperative ng First Scout Ranger Regiment na nakabase sa Camp Tecson, San Miguel, Bulacan, sinabi nito na tumanggap sila ng P4-M mula sa nasabing foundation noong Dis. 24, 2005 at karagdagang P1.8-M ng sumunod na taon.
"This has nothing to do with a coup," ani Cordova na sinabi pang ang dati nilang commander na si B/Gen. Danilo Lim ay plinano pang magpagawa ng chapel sa loob ng kanilang kampo mula sa nasabing pondo at ipautang sa mga nagigipit na sundalo ang matitirang pera. "If the intention si good, why should we ashamed to receive the donation?" katwiran ni Cordova.
Inamin din ni Marine spokesman Major Melquiades Ordiales na tumanggap ang Marine Corps Cooperative ng donasyong P3-M mula sa foundation na ipinautang sa mga sundalong may problemang pinansiyal.
"No, the money was not used for destabilization," ani Ordiales na sinabi pang hindi nila alam na may kaugnayan kay Erap ang nasabing foundation.
Nabatid na ang pangulo ng Kawal Filipino Foundation ay manugang ni Erap na si Manuel "Beaver" Lopez.
Kamakalawa ay inamin mismo ni Erap na binigyan niya ng donasyong P4-M ang Scout Rangers, P3-M sa Marines at P1-M sa pamilya ng Magdalo na nasangkot sa 2003 Oakwood mutiny.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended