MMDA, 2 solon credit grabber
February 23, 2006 | 12:00am
Binuweltahan ni Caloocan City Mayor Enrico "Recom" Echiverri ang ginawang pahayag nina Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Bayani Fernando at ng dalawang kongresista ng lungsod sa pagsabi nitong "credit grabbing capital" ng bansa ang siyudad.
Ayon kay Echiverri, hindi maganda ang ginawang pahayag ni Fernando dahil kung tutuusin ito ang matatawag na "credit grabber" dahil ang pondong ginagamit ng MMDA ay nagmula sa local government unit (LGUs) ng Metro Manila.
Ipinaliwanag pa nito, 5% ng internal revenue allotment (IRA) ng Caloocan City na umaabot sa halagang P34 million ang napupunta sa MMDA upang ipantustos nito sa mga ginagawang proyekto.
Nilinaw pa ni Echiverri na walang kinalaman ang kanyang mga tauhan sa pahayag ni Fernando na nagsasabing ang grupo ng alkalde ang nagtanggal ng mga billboards ng MMDA projects.
May hinala ang alkalde na posibleng ang ibang grupo ang may kinalaman sa pagtanggal ng mga billboards ng MMDA upang mailipat ang sisi sa pamunuan ni Echiverri upang sirain ang kanyang pagkatao.
Kinuwestiyon din ng alkalde ang ginawang pahayag nina Caloocan City 2nd District Congressman Luis "Baby" Asistio at 1st District Cong. Oscar Malapitan na walang naging proyekto ang lokal na pamahalaan sa infrastructure sa mga national roads.
Sinabi pa ni Echiverri na wala sa kanyang bokabularyo ang mang-agaw ng kredito bagkus ay ipinaliwanag nito na dapat lamang malaman ng kanyang mga constituents ang malaking pagbabago sa lungsod at ang mga nakatakda pang magagandang proyekto para sa ikauunlad ng kanyang pinamamahalaang siyudad.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
20 hours ago
Recommended