Leyte landslide isinisi sa gobyerno
February 20, 2006 | 12:00am
Sinisi kahapon ng grupo ng environmentalists ang gobyerno sa naga- nap na landslide sa Southern Leyte.
Sinabi ni Von Hernandez, campaign director ng Greenpeace Southeast Asia na malaki ang kakulangan ng pamahalaan sa pagkikibit-balikat at pagbalewala nito sa mga banta ng natural disasters.
Aniya, dapat sineryoso ng gobyerno ang pagbibigay aksiyon sa proble-ma sa illegal logging at sa idudulot ng pabago-bagong klima o panahon.
Sa kabila anila nang mahabang panahon na may nagaganap na ganitong uri ng kalamidad ay tila wala pa ring aksiyon ang pamahalaan upang labanan ang mga grupong sumisira sa kalikasan na siyang sanhi ng pagbaha at landslides.
Ayon sa mga eksperto, ang Leyte landslide ay isang "geological accident" mula sa mga bagyo at pag-ulan na hinihintay na lamang na dumating o mangyari at walang ginagawang hakbang ang gobyerno upang mapigil na may masaktan o mamatay.
Base sa rekord, simula noong 1991, apat na malalaking insidente ng landslide/flashfloods ang naganap kabilang dito ang nangyari noong Nobyembre 1991 sa Ormoc City, Leyte na umabot sa 5,000 katao ang nasawi at landslide sa isla ng Panon noong Disyembre 2003 na ikinasawi ng 200 katao. (Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended