^

Bansa

Palengke ng shabu ‘killing fields’ din

-
Iniimbestigahan na ng pulisya ang mga ulat na bukod sa palengke ng shabu ay ginawa ring "killing fields" ang Mapayapa compound sa Bgy. Sto. Tomas, Pasig City.

Ayon kay Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force (AIDSOTF) Director Marcelo Ele, Jr., kasalukuyan nilang inaalam ang impormasyon na ang sindikato ng droga na nasa likod ng drug den ay pumapatay ng mga pinaghihinalaang mga police asset at doon na rin nila inililibing ang bangkay ng mga ito.

"Report kept on pouring in since we raided the drug den last Feb. 10, we are now on the second phase of investigation of the ‘killing fields’ angle," sabi ni Ele.

Sinabi pa ni Ele na kahit si PNP chief Arturo Lomibao ay sinabihan siya na may dalawang babae ang pinatay ng sindikato na kinabibilangan ng isang alyas "Dario" na siyang pumugot sa ulo ng mga biktima at pagkatapos ay inilibing doon sa lugar.

Dagdag pa nito na tinangka ring i-expose ni Mike Enriquez sa kanyang programang Imbestigador sa GMA-7 ang nasabing lantarang pagbebenta ng droga sa Mapayapa compound subalit hindi natuloy dahil sa misteryosong pagkawala ng kanyang asset na ipinadala sa lugar.

Lumalabas sa impormasyon kay Ele na marami ang pinatay na police asset sa loob ng compound na pag-aari ng isang Amin Imam Buratong na ngayon ay pinaghahanap na ng pulisya.

Nakatakdang ipahukay ang 1,900 metro kuwadradong lupa ng compound upang makuha ang mga bangkay ng biktima. (Edwin Balasa)

AMIN IMAM BURATONG

ARTURO LOMIBAO

AYON

BGY

DIRECTOR MARCELO ELE

DRUGS SPECIAL OPERATIONS TASK FORCE

EDWIN BALASA

MAPAYAPA

MIKE ENRIQUEZ

PASIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with