^

Bansa

Drilon binira sa coco levy

-
Inakusahan kahapon ng mga grupo ng magsasaka at manggagawa na naghuhugas-kamay lamang si Senate President Franklin Drilon kaugnay sa usapin ng coco levy fund.

Ayon sa Pambansang Koalisyon ng mga Samahan ng Magsasaka at Manggagawa sa Niyugan (PKSMMN), dapat na umanong itigil ni Drilon ang pagsasabi na wala umano siyang interes sa nasabing pondo ng niyugan.

Sinabi ni Efren Villaseñor, PKSMMN chairman, na isa si Drilon sa mga nagtulak para sa implementasyon nito kung saan ito pa ang gumawa ng presidential decree ng coco levy fund noong 1973 habang ito ay nasa ACCRA Law Office pa lamang.

Sa katunayan, ayon pa kay Villaseñor, si Drilon ay konektado umano sa First Meridian Development, isa sa 14 holding companies ng coco levy-funded Coconut Industry Investment Fund ng San Miguel Corp.

Umalma din sa naturang usapin ang Liga ng Magniniyog at Pambansang Kilusan ng mga Samahan ng Magsasaka.

AYON

COCONUT INDUSTRY INVESTMENT FUND

DRILON

EFREN VILLASE

FIRST MERIDIAN DEVELOPMENT

LAW OFFICE

MAGSASAKA

PAMBANSANG KILUSAN

PAMBANSANG KOALISYON

SAMAHAN

SAN MIGUEL CORP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with