^

Bansa

EO 474 vs energy crisis ipatupad!

-
Dahil sa paglubha ng krisis sa langis, nanawagan na rin ang grupo ng mga ekonomista kay Pangulong Arroyo na isulong na ang Executive Order 474 na lumilikha sa Philippine Strategic Oil, Gas, Energy, Resources and Power Infrastructure Office (PSOGERPIO) kasabay ng muling pagtataas ng presyo ng langis sa world market at ang patuloy na banta ng krisis sa enerhiya sa bansa.

Ayon sa kilalang securities analyst na si Astro del Castillo, managing director ng First Grade Holdings, ang pagkakaantala sa implementasyon ng EO 474 "ay nakakaapekto at nagdudulot ng patuloy na pangamba at agam-agam sa industriya ng enerhiya."

Ipinaliwanag niya na ang mga agam-agam hinggil sa pundamental na batayan ng industriya ay nagdudulot ng pressure sa stock market na mas pinatingkad ng mabagal na pagsasapribado ng Napocor at iba pang energy generation resources ng pamahalaan.

"It’s about time that the government acts decisively and address the problem head on," aniya at idinagdag pa niya na malaki ang maitutulong ng EO 474 upang mabawasan ang pangamba sa power sector.

Hindi ipinatupad ng Palasyo ang EO 474 matapos umangal si Energy Sec. Raphael Lotilla na maaring matapakan nito ang mga gawain ng kanyang departamento.

Una nang nanawagan pabor sa EO 474 ang People Empowerment and Truth, Independent Philippine Petroleum Companies Association of the Philippines, Pasang Masda at Piston. (E.Balasa)

ENERGY SEC

EXECUTIVE ORDER

FIRST GRADE HOLDINGS

INDEPENDENT PHILIPPINE PETROLEUM COMPANIES ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

PANGULONG ARROYO

PASANG MASDA

PEOPLE EMPOWERMENT AND TRUTH

PHILIPPINE STRATEGIC OIL

RAPHAEL LOTILLA

RESOURCES AND POWER INFRASTRUCTURE OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with