^

Bansa

Fertilizer fund scam dapat ng simulan ng Ombudsman

-
Hiniling ng dalawang grupo sa Office of the Ombudsman na simulan na ang pagsasagawa ng imbestigasyon hinggil sa P728 milyong fertilizer scam upang malaman kung ang mga matataas na opisyal na sangkot dito ay may kasalanan o wala.

Ayon sa Lakas ng Magsasakang Pilipino at Aksyon Sambayan, ang investigating panel na binuo ni Ombudsman Merceditas Gutierrez ay hindi dapat pumanig kaninuman at hindi dapat protektahan ang mga sangkot na opisyal.

Sinabi rin nina Ali Asis, pangulo ng LMP at AkSa spokesperson Jorge Azuelo na samantalang sobra-sobra ang ebidensiya ng Commission on Audit, ang pagkakaantala ng imbestigasyon ay indikasyon na may nais silang protektahang opisyal.

Matatandaan na kinumpirma ng COA auditors na overprice ng P127 milyon ang fertilizer na binili sa ilalim ng Ginintuang Masaganang Ani program ng Department of Agriculture. Bukod dito, isiniwalat din ng COA auditors, ang anomalya sa bidding at purchase documents at non-existent liquidation reports.

Lumilitaw din sa report ng COA na may 100 congressmen, 53 governors at 26 mayors ang tumatanggap ng fertilizer allocations. (Doris Franche)

AKSYON SAMBAYAN

ALI ASIS

AYON

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

DORIS FRANCHE

GININTUANG MASAGANANG ANI

JORGE AZUELO

MAGSASAKANG PILIPINO

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

OMBUDSMAN MERCEDITAS GUTIERREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with