Sinabi ni Pimentel na bihira ng matagpuan sa gobyerno ang katulad ng ginawa ni Reyes nang tanggihan nito ang allotment sa kanyang P2.5 milyon para makabili ng Toyota Camry at Starex van at sa halip ay ginamit na lamang ang lumang sasakyan ng kanilang tanggapan.
Dahil sa kanilang natipid, napondohan tuloy ang emergency economic assistance ng mga empleyado ng appellate court.
"Between his personal comfort and the welfare of court employees under him, Justice Reyes did not hesitate to choose the latter. For his kind and humble act, he deserves the appreciation and gratitude of the public," ani Pimentel.
Lahat ng judiciary officials ay puwedeng bumili ng mamahaling sasakyan upang mabigyan ng dignidad ang kanilang puwesto subalit ayon kay Pimentel, dapat umanong magtipid ngayon ang pamahalaan bunga ng kinakaharap na budget deficit.
Aniya, ang ginawang pagpapahalaga ni Reyes sa pondo ng bayan ay dapat umanong tularan ng ibang government officials kasama na si Pangulong Arroyo sa gayon ay hindi naman madismaya ang taumbayan sa buwis na kanilang ibinabayad sa gobyerno. (Rudy Andal)