Hapon nagbiro ng bomba sa NAIA, arestado
February 11, 2006 | 12:00am
Isang lolong Hapon ang pinigilang makaalis ng bansa ng mga tauhan ng Philippine National Police Aviation Security Group matapos itong magbiro na may dalawang bomba siyang dala habang kinakapkapan ito ng isang non-uniformed personnel ng ASG sa NAIA kahapon.
Kinilala ni PNP-ASG Chief Supt. Andres Caro II ang Japanese national na si Yasuo Ishii, 71, may asawa, ng Chiba, Japan.
Sinabi ni Caro na habang nasa final check-in si Ishii ay kinakapkapan ito para sa isang security check pero nagbiro ang matandang Hapon na may bitbit siyang dalawang bomba kaya hindi muna ito pinasakay sa eroplano.
"I have two bombs," sabi ni Ishii sa frisker habang kinakapkapan siya nito.
Ang mga bagaheng dala ni Ishii ay kinalkal din ng PNP-ASG para alamin kung may bomba nga itong dala.
Sinabi ni Ishii na nagbibiro lamang siya dahil sa haba ng pila at inip.
Ayon kay Caro, si Ishii ay lumabag sa Presidential Decree 1727 kaya sasampahan ito ng kaso sa Pasay City Prosecutors Office. (Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am