10 appointees ni GMA puntirya ng lifestyle check
February 10, 2006 | 12:00am
Target ngayon ng lifestyle check ng magkasanib na puwersa ng Presidential Anti-Graft Commission (PAGC) at Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang 10 appointees ni Pangulong Arroyo sa hinalang sangkot sila sa katiwalian.
Nakipagsanib ang VACC sa PAGC para bigyan ng ngipin at lakas ang kampanya laban sa korupsiyon ng pamahalaan. Sinabi ni Dante Jimenez ng VACC na ang impormasyon hinggil sa 10 opisyal ay mula sa kanilang mga kasamahan sa opisina.
Nagtataglay umano ang mga ito ng mga bank accounts sa ibang bansa, mga mansion, luxury cars at mga negosyo. (Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest