^

Bansa

EO 464 dapat nang pakialaman ng SC

-
Umapela na si Sen. Miriam Defensor-Santiago sa Supreme Court na resolbahin na nito ang isyu ukol sa kontrobersiyal na Executive Order 464 ni Pangulong Arroyo upang maiwasan ang bangayan sa pagitan ng Executive at Legislative branch.

Ang pahayag ay kasunod ng pagpapalawig ng Pangulo sa kautusan kaya walang dumalong mga opisyal ng Budget department sa isinagawang pagdinig kahapon. Kinansela rin ang imbestigasyon ng Hello Garci dahil walang sumipot na opisyal ng gobyerno. Sinabi ni Sen. Santiago, dapat ay umiral ang inter-department courtesy sa pagitan ng executive at legislative branch ng gobyerno at ayusin na agad ng SC ang kinukuwestiyong EO 464 upang maiwasan ang posibleng awayan o giyera.

Ani Santiago, labag sa Konstitusyon ang pagpapatupad ng EO 464 na nagbabawal sa mga opisyal ng gobyerno na dumalo sa anumang congressional inquiry kapag walang pahintulot ng Pangulo upang makaiwas sa paggisa ng mga senador at kongresista. (Rudy Andal)

vuukle comment

ANI SANTIAGO

EXECUTIVE ORDER

HELLO GARCI

KINANSELA

KONSTITUSYON

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

PANGULO

PANGULONG ARROYO

RUDY ANDAL

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with