Sa pahayag ng kanyang mga legal counsel na sina Atty. Gener Gito at Atty. Gideon Mortel, inulan pa ng kasong paglabag sa Article 142 ng Revised Penal Code o inciting to sedition si Faeldon, paglabag sa Articles of War 70 (Breach of Arrest) dahil sa ginawang pagtakas ng kanilang kliyente, bukod pa sa paglabag sa Article of War 96 (Conduct Undercoming of an Officer and Gentleman) at 97 (Disorders and Neglects to the Prejudice of Good Order and Military Discipline).
Ikinakatwiran ng AFP na ang paglikha ni Faeldon ng isang website na naglahad ng mga propaganda laban sa pamahalaang Arroyo at pagsusulong ng civil disobedience sa Headquarters Service Support Group ng AFP ay isang malinaw na kasog sedisyon. (Joy Cantos)