Recom aayuda sa stampede victims
February 9, 2006 | 12:00am
Magbibigay ng pinansiyal na tulong si Caloocan City Mayor Enrico "Recom" Echiverri sa pamilya ng mga nasawi na mga naninirahan sa lungsod na naging biktima ng naganap na stampede sa Philsport Arena sa Pasig City noong Sabado ng umaga.
Kinilala ni Echiverri ang mga namatay sa malagim na trahedya na sina Ruffa Rosales ng Block 39, Phase 3, Dagat-dagatan; Rosalina Salazar ng Leozarde St., Dagat-dagatan; Ounesia Selano, Sampaguita St., Libis, Camarin; Virginia Javierto at Josephine Barra, kapwa ng Bgy. 144.
Nakatakda ring bisitahin ng alkalde ang labi ng mga nasawi sa trahedya upang magpahatid ng pakikiramay sa pamilyang mga namatay.
Inasistehan naman ng mga tauhan ng Intervention Unit (CIU) at Reformed Department of Public Safety and Traffic Management (RDPSTM)-Rescue team ang mga nasaktan sa stampede habang ang Social Welfare Department ng lungsod ay kinausap at nagbigay ng counseling upang agad na malimutan ng mga ito ang naganap sa kanilang malagim na karanasan.
Kasalukuyan ding minomonitor ng lokal na pamahalaan ang kalagayan ng mga nasugatan sa malagim na trahedya.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended