Bangkay ng Pinay itinapon sa Brunei
February 6, 2006 | 12:00am
Isang bangkay ng Pinay ang isinilid sa isang plastic bag saka itinapon sa isang liblib na lugar sa bansang Brunei.
Sa ulat ng Department of Foreign Affairs, limang "housemates" at kamag-anakan ng biktimang si Jovita Zapanta, 32, ang inaresto ng Royal Brunei Police at sumasailalim ngayon sa interogasyon. Hindi muna tinukoy ang kanilang mga pangalan.
Base sa report, nakita ng Brunei Police ang bangkay ng biktima na nakasilid sa isang plastic at nakabalot ng tela noong Enero 28 sa kalsada ng Bandar Seri Begawan. Natukoy na ang lima ang nagtapon kaya sila inaresto.
Bagamat may inisyal na report na natanggap na walang "foul play" sa pagkamatay ni Zapanta ay hindi pa rin ligtas sa kaso ang lima dahil sa pagtatapon nila sa bangkay ng kanilang kasambahay.
Sinasabi umano ng lima na atake sa puso ang sanhi ng pagkamatay ng biktima at nagawa lamang umano nilang itapon ang bangkay nito sa kalsada dahil na rin sa takot na madakip ng mga awtoridad bunsod ng kanilang pagiging "overstaying" sa nasabing bansa.
Gayunman, malaki pa rin umano ang pananagutan nila dahil hindi inireport sa pulisya ang nangyari sa halip ay gumawa pa ng mas malaking problema.
Bukod sa tulong na binibigay ng DFA sa lima ay inaayos na rin ngayon at kinukumpleto ang mga papeles ni Zapanta para maiuwi ang bangkay nito sa bansa. (EFernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended