Angelo Reyes, bagong DENR chief
February 5, 2006 | 12:00am
Hinirang ni Pangulong Arroyo si Interior and Local Government Sec. Angelo Reyes bilang bagong kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) kapalit ni Mike Defensor na itinalaga namang Presidential Chief of Staff.
Si Reyes ay dating nabalitang itatalaga ng Pangulo bilang ambassador ng Pilipinas sa US pero base sa impormasyon ay tinanggihan ni Reyes ang puwestong ito.
Itinalaga rin ng Pangulo si Esperanza Cabral bilang secretary ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kapalit ng OIC na si Luwalhati Pablo at si Edgardo Pamintuan bilang chairman ng Subic Clark Area Development.
Ang paghirang sa apat ay bahagi ng pagbalasa ng Pangulo sa kanyang Gabinete at iba pang ahnesiya ng gobyerno. (Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest