^

Bansa

Tuition ‘di pwedeng itaas sa RVAT

-
Binalaan ng Malacañang ang mga pribadong paaralan na gagamiting sangkalan ang 12% Reform Value Added Tax para makapagtaas ng kanilang tuition fees.

Sinabi ni Finance Secretary Margarito Teves na libre sa RVAT ang serbisyong edukasyon kaya hindi dapat na gamitin ang 12% buwis sa pagtataas ng matrikula.

Ang pahayag ay kasunod ng pangamba ng National Union of Students of the Philippines na baka magkaroon na naman ng pagtataas ng matrikula dahil sa pagtataas ng 2 porsiyento sa kinokolektang EVAT.

Gayunman, nilinaw ni Teves na ang desisyon sa tuition hike ay hurisdiksiyon pa rin ng mga opisyal ng private schools base sa ibang kadahilanan, pero hindi dahil sa RVAT.

Dahil dito kay hiningi ni Teves ang pakikipagtulungan ng publiko para maipabatid kaagad sa kinauukulang mga opisyal kung sasamantalahin ng mga may-ari ng paaralan ang RVAT para maitaas ang kanilang tuition fee. (Lilia Tolentino)

BINALAAN

DAHIL

FINANCE SECRETARY MARGARITO TEVES

GAYUNMAN

LILIA TOLENTINO

MALACA

NATIONAL UNION OF STUDENTS OF THE PHILIPPINES

REFORM VALUE ADDED TAX

SINABI

TEVES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with