^

Bansa

Aksyon Sambayanan umalma sa RVAT

-
Binatikos ng grupong Aksyon Sambayanan ang bagong Reform Value Added Tax kasabay ng pagsasabing "dagdag kalbaryo ito sa mga mamamayang dati nang mahihirap."

Sinabi ni Jorge Azuelo, spokesperson ng social democrat na grupo, hindi kailangan ng gobyerno ang RVAT dahil marami namang paraan para mapalaki nito ang kita tulad ng paniningil sa mga kompanyang nagkakautang dito at pagsugpo sa smuggling.

Muling nilusob ng Aksyon Sambayanan ang Meralco at Energy Regulatory Commission (ERC) upang ipabasura ang kasunduang Meralco-National Power Corp. na nagpalugi sa gobyerno ng halagang P27.5 bilyon bukod pa sa magpapahirap sa mga maralitang kumukunsumo ng kuryente.

Ang Meralco ay may utang na P270.5 bilyon sa Napocor ngunit pumayag ang huli na ipasa ito ng Meralco sa mga consumer nito sa pamamagitan ng pagtataas ng P0.12 sentimos per kilowatt hour sa singil sa kuryente.

Naghain ng motion for intervention ang Aksyon Sambayanan sa ERC upang ibasura ang naging settlement ng Meralco at Napocor. (Doris France)

AKSYON SAMBAYANAN

ANG MERALCO

BINATIKOS

DORIS FRANCE

ENERGY REGULATORY COMMISSION

JORGE AZUELO

MERALCO

MERALCO-NATIONAL POWER CORP

NAPOCOR

REFORM VALUE ADDED TAX

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with