^

Bansa

Erap kailangan nang operahan sa mata

-
Kailangan nang sumailalim sa corrective surgery ang dalawang mata ni dating Pangulong Estrada na halos magsara na dahil sa pamamaga.

Ayon kay Dr. Lorenzo Hocson, personal physician ni Erap sa pagharap nito sa Sandiganbayan Special Division, ang antibiotics na ibinigay kay Estrada ay para lamang patayin ang impeksyon at hindi nito magagamot ang upper eyelid na siyang tumatakip sa mata.

Ani Hocson, kapag hindi maooperahan ay palaging nakabukas ang isang mata kahit na natutulog na posibleng matuyo o mairita.

Si Estrada ay nakararanas ng dermatochalisis, isang kondisyon kung saan ang talukap ng mata ay mayroong sobrang balat. Bago ito, nagkaroon si Erap ng preseptal cellulitis, isang impeksyon sa mata na sanhi ng kagat ng insekto. Ang preseptal cellulitis ang nagpalala sa dermatochalisis ni Estrada.

Hiniling din ni Hocson sa Sandiganbayan na bigyan nang ekstensyon si Erap sa pananatili nito sa San Juan Medical Hospital at 2-3 araw pang ekstensyon matapos ang operasyon para sa recovery.

Sinabi naman ni Chief Special Prosecutor Dennis Villa-Ignacio na hindi nila kokontrahin ang operasyon ni Estrada. (Malou Escudero)

ANI HOCSON

AYON

CHIEF SPECIAL PROSECUTOR DENNIS VILLA-IGNACIO

DR. LORENZO HOCSON

ERAP

MALOU ESCUDERO

PANGULONG ESTRADA

SAN JUAN MEDICAL HOSPITAL

SANDIGANBAYAN SPECIAL DIVISION

SI ESTRADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with