Ayon kay Charge d Affaires Ricardo Endaya sa isang panayam, tinanggihan ng pamilya ng biktimang Kuwaiti ang alok ng Embahada ng Pilipinas na $10,000 kaya maaaring lumaki ito at umabot sa nasabing halaga.
Kasalukuyang kumikilos ang Embahada upang sagipin si Marilou Ranario, ng Surigao del Sur sa pamamagitan ng huling "option" na ito na mag-alok ng blood money sa pamilya ng kanyang dating employer.
Sinabi ni Endaya na nahihirapan ang tagapagtanggol ni Ranario na isalba ito matapos na aminin ng huli ang pananaksak at pagpatay nito sa kanyang amo. Naging dahilan ng pag-amin ay ang hindi nito maintindihang lengguwahe nang siya ay sumailalim sa pagsisiyasat ng pulisya.
Ang kaso ni Ranario ay inapela ng Embahada sa Kuwaiti Appeals Court sa pamamagitan ng dalawang kinuhang Kuwaiti lawyers na magtatanggol dito upang mabaligtad ang unang desisyon.
Ang huling pagdinig sa apela ng kaso ni Ranario ay itinakda sa Pebrero 11, 2006. (Ellen Fernando)