^

Bansa

Pagkamatay ng sundalong sabit sa Aquino-Galman pinasisilip

-
Pinaiimbestigahan ni Ilocos Norte Rep. Imee Marcos sa House committee on justice ang "kahina-hinalang" pagkamatay ni Sgt. Cordova Estelo sa loob mismo ng maximum security unit ng New Bilibid Prisons kamakailan.

Sa House resolution 1085 na inihain ni Rep. Marcos, sinabi nito na dapat magkaroon ng linaw ang pagkamatay ni Estelo na 20-taong nakulong dahil sa kasong pagpatay kina dating Sen. Benigno Aquino Jr. at Rolando Galman.

Naniniwala si Marcos na may kinalaman ang pagkamatay ni Estelo sa pagkakasabit nito kay dating Capt. Felipe Valeria bilang kanilang ‘overall leader’.

"In his "sinumpaang salaysay" dated 30 August 2004, Sgt. Cordova Estelo implicated Capt. Valeria in the Aquino-Galman incident as their overall leader," anang resolusyon ni Marcos.

Nananatiling ‘at large’ si Valeria at hindi ito nakasama sa mga nakabilanggong sundalo na sumabit sa Ninoy-Galman murder case.

Noong Nob. 11, 2005, nagpalabas ang Third Division ng Sandiganbayan ng "Alias Warrant of Arrest" laban kay Valeria kung saan hiniling din ng korte ang pagpapalabas ng extradition order mula sa DOJ at DFA.

Nagtataka si Marcos kung bakit nanatiling ligtas si Estelo sa NBP sa loob ng 20 taon pero bigla itong namatay matapos magkaroon ng posibilidad na muling mabuksan ang Aquino-Galman murder case at magpalabas ng Alias Warrant of Arrest ang Sandiganbayan.

Sinabi ni Marcos na panahon na upang muling silipin ang criminal justice system ng bansa upang masigurong napoprotektahan ang mga bilanggo at mabigyan sila nang pagkakataon na makapagbagong-buhay. (Malou Escudero)

ALIAS WARRANT OF ARREST

AQUINO-GALMAN

BENIGNO AQUINO JR.

CAPT

CORDOVA ESTELO

ESTELO

FELIPE VALERIA

ILOCOS NORTE REP

VALERIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with