Ginamit sa SC bibilhin ni Davide
January 25, 2006 | 12:00am
Nagbigay na ng go-signal ang Supreme Court (SC) na bilhin ni dating Chief Justice Hilario Davide ang kanyang mga ginamit na bagay sa panahon ng kanyang panunungkulan.
Sa resolusyon ng SC enbanc, pinagtibay nito ang kahilingan ni Davide na mabili ang mga sasakyan na kanyang ginamit tulad ng Toyota Hi-ace Super Grandia na nagkakahalaga ng P1.173-M at Toyota Camry na nagkakahalaga ng P1.545-M.
Bukod dito nais din bilhin ni Davide ang isang executive table na kanyang ginamit sa kanyang chamber, dalawang server buffet cabinets at dalawang computers.
Ngunit bago tuluyang mabili ni Davide ang mga nabanggit na kagamitan ay inatasan muna ng korte si SC Property Division chief Felicitas Caunca na suriin kung tama ang appraisal value ng mga nabanggit. (Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest