Kaligtasan sa kalsada pag-uusapan
January 24, 2006 | 12:00am
Maaari bang gawing ligtas ang mga malalaking kalsada sa Metro Manila?
Ito at iba pang katanungan ang susubuking sagutin sa Huwebes, Enero 26, sa pagdaraos ng ikatlong Road Safety Conference ng Automobile Association Philippines (AAP) sa Dusit Hotel.
Isasagawa sa tulong ng UP National Center for Transportation Studies at Toyota Motor Philippines, ang kumperensya ay tatalakay sa kalagayan ng mga tinaguriang "arterial roads" sa Metro Manila na nag-uugnay sa 17 lungsod at munisipalidad.
Ayon kay Johnny Angeles, chairman ng road safety committee ng AAP, inaasahan nilang dadalo ang mga kinatawan ng MMDA, DPWH, at mga may-ari ng truck, bus at jeepney na pawang gumagamit sa mga arterial roads.
"Pupulungin namin lahat upang pag-usapan ang mga isyu gaya ng paggamit ng seatbelt, helmet, panghuhuli sa mga lasing na drivers at pangangalaga sa kalsada at mga traffic lights" pahayag ni Angeles.
Ang mga "arterial roads" sa Metro Manila ay kinabibilangan ng EDSA, C5, Quezon Avenue, North Bay Boulevard, Commonwealth Avenue, Osmeña Highway, Marcos Highway at Ortigas Avenue. Karamihan sa malulubhang aksidente ay nagaganap sa mga kalsadang ito dahil sa milyun ang mga sasakyang dumadaan dito araw-araw.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended