Nadiskubre lamang ng kanyang anak na si Shirley, dakong alas-9:00 ng umaga ang wala ng buhay na ama sa loob ng silid nito.
Kinatok umano ni Shirley ang kuwarto ng ama subalit matagal na hindi ito sinasagot kayat puwersahan niyang binuksan at inalam ang kalagayan ng ama. Nagulat ito nang makitang hindi na gumagalaw o humihinga ang ama.
Sinubukan pa umanong isugod sa Muntinlupa Medical Center sa pagbabakasakaling maisalba pa subalit idineklarang dead-on-arrival ang beteranong newscaster.
Ayon sa ulat, idineklara ni Dr. Cesar Berroya na may 2 hanggang 3 oras nang namatay si Baron bunsod umano ng atake sa puso na may kumplikasyon sa sakit na diabetes.
Nabatid na taong 1965 nang umalagwa sa larangan ng pamamahayag si Baron, sa programang "Gintong Kaalaman" ng himpilang DZAQ. Pinakahuli ay ang pagiging TV host nito sa Knowledge Power at programa sa DZMM na nagpapayo ng mga herbal medicinal plants o mas kilala sa "cleansing diet at Pito-Pito" at Baron TV antenna.
Nakalagak ang kanyang mga labi sa Ruby Room ng Divine Mercy Chapel, Barangay Tunasan, Muntinlupa City. (Ludy Bermudo)