Ayon kay Pimentel, may hawak na alas ang gobyerno para makuha ang custody ng apat na sundalo, at ito ay ang paggiit ng prosecutors na ilipat sa custody ng Olongapo City Regional Trial Court sakaling humarap na sa arraignment ang apat na akusado.
Aniya, pwede itong gawin ng gobyero at hindi naman ito makakahadlang sa mga alituntunin ng Visiting Forces Agreement (VFA).
Sinabi pa ni Pimentel, hindi din daw napapanahon ang pagrebisa ng VFA sa pagitan ng US at ng Pilipinas dahil malaki ang posibilidad na masakripisyo ang kaso ng apat na Amerikano.
Bagamat pabor ang Senate Minority Leader sa pagrebisa, sa isyu ng criminal jurisdictions sa mga Amerikanong sundalo, naniniwala ito na isa sa mga tumutol ng VFA noong 1999 na maapektuhan nito ang kaso ng apat na sundalo.
Ibinasura din ni Pimentel ang panukala na tawagan ni Pang. Gloria Macapagal-Arroyo si US Pres. George W. Bush para pagbigyan ang pabor ng bansa na ilipat sa custody natin ang akusado. (Rudy Andal)