Superbody sa energy crisis pinamamadali
January 24, 2006 | 12:00am
Kasunod ng muling pagtaas ng halaga ng produktong petrolyo, hiniling kahapon ng mga malalaking transport groups ang agarang paglikha ng isang superbody na makakatulong upang lutasin ang patuloy na lumalalang suliranin sa enerhiya sa bansa.
Umapela ang transport groups sa Malacañang na ipatupad ang ipinalabas na executive order 474 para maisakatuparan ang super body sa ilalim ng Department of Energy (DOE).
Sinabi ni Roberto "Obet" Martin, Pangulo ng Pasang Masda na may kabuuang mahigit na 150 miyembro sa buong bansa na naniniwala siya na malaki ang maitutulong ng EO 474 na mas kilala sa tawag na Philippine Strategic Oil, Gas, Energy Resources and Power Insfrastructure Office kung ipatutupad ito lalo na sa hanay ng transport group ng masang Pilipino.
Naniniwala ang Pasang Masda na ang pagkakabalam ng pagpapatupad ng energy super body ay nakakaapekto sa mabilis at epektibong pagsusulong ng mga proyektong pang-enerhiya ng pamahalaan.
"Sa aming hanay lubhang malaking kapakinabangan para sa transportasyon ang ipinalabas na executive order dahil masosolusyunan na nila ang malaking problema sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis at enerhiya sa bansa, ani Martin sa panayam.
Malaki ang hinala ng transport group na ang posibilidad na may ilang may interes na grupo at indibidwal na maaring kumikita sa kasalukuyang sistema ang siyang nasa likod ng mga pagkilos upang mapigil ang pagpapatupad ng executive order. (Ludy Bermudo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended