^

Bansa

Barangay Roxas paboritong paglunggaan ng mga sawa

-
Kasabay ng sunud-sunod na pagkakatagpo ng sawa sa Brgy. Roxas District, patuloy ding nakatatanggap ng certificate ang barangay bunga ng paglilipat ng mga natatagpuang sawa sa Protection and Wildlife Bureau ng Department of Environment and Natural Resources (PAWB-DENR).

Ayon sa mga opisyal ng barangay, ang pagsasauli nila ng mga reticulated python ay tulong na rin sa kalikasan dahil ang mga sawang nakikita ngayon ay pawang mga endangered species.

Kahapon ng alas-6:30 ng umaga, muling natagpuan ang isang sawa na may habang 10 feet ni Alex delos Santos, isang residente ng barangay sa panulukan ng Gumamela at Lagarian St., Brgy. Roxas. Nakita niya ito malapit sa ilog na nagdudugtong sa San Mateo, Rizal.

Nagtamo ang sawa ng sugat sa bahagi ng buntot nito dahil sa pagkakahuli.

Sinabi naman ni Luvy Marinas, nutritionist, naglalabasan na ang mga sawa dahil naghahanap ang mga ito ng makakain subalit hindi naman ito makamandag.

Ikaapat na itong sawa na natagpuan sa nabanggit na barangay. (Doris Franche)

ALEX

BRGY

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

DORIS FRANCHE

LAGARIAN ST.

LUVY MARINAS

PROTECTION AND WILDLIFE BUREAU

ROXAS DISTRICT

SAN MATEO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with