Dancer tigok sa cyanide

Isang dancer na miyembro umano ng isang dance group ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pag-inom ng cyanide kahapon ng umaga sa Quezon City.

Dead-on-the-spot ang biktima na nakilalang si Preechy Estel, 16, ng #90 Sitio 6, Batasan Hills, Quezon City.

Sa imbestigasyon ni PO3 Jimmy Jimena ng Quezon City Police District-Criminal Investigation Division (QCPD-CID), natagpuan ang bangkay ng biktima dakong alas-11:30 ng umaga sa inuupahang bahay nito sa #40 Salvador St., Brgy. Krus-na-Ligas, Quezon City, ng live-in partner nito na si Janry Dignos.

Lumilitaw na bago nagpatiwakal ang biktima ay nakipag-away pa ito kay Dignos hanggang sa ipasya nito na umalis ng bahay at naiwan ang biktima.

Subalit pagbalik niya ay nakita niyang nakahandusay na ang biktima at bumubula ang bibig katabi ang isang bote ng cyanide.

Hindi naman makausap pa ng matino si Dignos subalit nagsasagawa pa rin siya ng follow-up investigation upang malaman kung may foul play na naganap. (Doris Franche)

Show comments