^

Bansa

ISAFP umaming kayang mag-wiretap

-
Inamin kahapon ni ISAFP chief Mariu Quevedo na mayroong kakayahan ang Intelligence Service of the AFP (ISAFP) na magsagawa ng ‘wiretapping’ pero limitado umano ito sa mga landline telephone.

Ginawa ni Gen. Quevedo ang pag-amin sa kabila ng pagtanggi naman dito ni AFP Deputy Chief of Staff for Intelligence (J2) Rear Admiral Tirso Danga sa pagdinig ng Senado hinggil sa Hello Garci tape.

"Our capability to wiretap is limited only to landline, but it should have a court order. It is illegal if you go beyond that," wika pa ni Quevedo.

Itinanggi naman ng heneral na may kakayahang bumili ang kanilang tanggapan ng mamahaling bugging device na kayang mag-intercept ng usapan sa cellular phones.

Hinamon naman ni Sen. Rodolfo Biazon si Pangulong Arroyo na bumuo ng independent commission upang imbestigahan ang Hello Garci controversy.

Sinabi ni Sen. Biazon, kung kaya ni PGMA na bumuo ng Citizens Consultative Commission para sa pag-amyenda sa Konstitusyon ay kaya din itong gawin ng Pangulo para alamin ang katotohanan sa Hello Garci controversy. (Joy Cantos /Rudy Andal)

vuukle comment

CITIZENS CONSULTATIVE COMMISSION

DEPUTY CHIEF OF STAFF

HELLO GARCI

INTELLIGENCE SERVICE

JOY CANTOS

MARIU QUEVEDO

PANGULONG ARROYO

QUEVEDO

REAR ADMIRAL TIRSO DANGA

RODOLFO BIAZON

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with