^

Bansa

Arrest warrant vs. Dinky

-
Nagpalabas ng warrant of arrest ang Quezon City Regional Trial Court laban kay dating DSWD Secretary Corazon "Dinky" Soliman kaugnay sa P20 milyong libel case na isinampa dito ni Alagad Party-list Rep. Rodante Marcoleta.

Nagdesisyon si Judge Rosanna Fe Maglaya na magpalabas ng warrant of arrest laban kay Soliman makaraang ituloy ni Rep. Marcoleta ang kaso matapos hindi sila magkasundo sa ilang ulit na paghaharap ng mga ito sa QC Prosecutor’s Office.

Magugunita na kinasuhan ni Marcoleta si Soliman makaraang sabihin ng dating kalihim sa isang panayam na narinig niyang inutusan umano ni Pangulong Arroyo si Marcoleta na iendorso ang impeachment complaint na isinampa ni Atty. Oliver Lozano sa Kamara noong nakaraang taon.

Itinakda naman ni Judge Maglaya ang piyansang P100,000 para sa pansamantalang kalayaan ni Soliman sa sandaling isilbi na dito ang kanyang warrant of arrest. (Angie dela Cruz)

ALAGAD PARTY

ANGIE

JUDGE MAGLAYA

JUDGE ROSANNA FE MAGLAYA

OLIVER LOZANO

PANGULONG ARROYO

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

RODANTE MARCOLETA

SECRETARY CORAZON

SOLIMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with