^

Bansa

Medical mission handog ni Rex

-
Libu-libong mahihirap na residente ng Valenzuela ang inaasahang makikinabang sa isasagawang medical mission at feeding program na pangungunahan ni Rex Gatchalian kaugnay sa selebrasyon ng kanyang kaarawan sa Sabado.

Sa halip na tumanggap ng regalo ay napagpasiyahan ni Gatchalian na siya ang magbigay at maghandog sa mga mahihirap na mamamayan ng lungsod.

"Ginawa ko ito upang maibahagi ang natanggap kong biyaya noong nakaraang taon at bilang pasasalamat na rin sa patuloy na pagsuporta sa akin ng mga tao," pahayag pa ni Gatchalian na natalo noong tumakbo bilang kongresista sa 1st district ng Valenzuela laban kay Rep. Bobbit Carlos.

Isasagawa ang medical mission sa Brgy. Malanday at Dulong Tangke, Brgy. Malinta habang magkakaroon ng kasabay na feeding program sa Brgy. Bignay. Magsisimula ang medical mission at feeding program 8:00 ng umaga, Enero 20.

Magkakaroon muna ng fun run na magsisimula ng 6:00 ng umaga sa tapat ng PureGold upang mahikayat ang mga residente na mag-ehersisyo at maging malusog.

vuukle comment

BIGNAY

BOBBIT CARLOS

BRGY

DULONG TANGKE

ENERO

GATCHALIAN

GINAWA

ISASAGAWA

REX GATCHALIAN

VALENZUELA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with